May Good News!

Simula September 2025, magkakaroon ng 10% na dagdag sa pension ng retirement at disability pensioners, habang 5% para sa mga survivor pensioners. Ang mga pensioners ay makakatanggap ng tatlong sunod-sunod na increase tuwing Setyembre hanggang 2027. Walang kinakailangang bayad o kontribusyon para sa mga pensioners kasalukuyan noong Agosto 31, 2025.

SSS Pension +10% starting September 2025

Ano ang Mangyayari?

• Simula September 2025, automatic na may dagdag 10% sa pension ng mga retirement at disability pensioners.

• Kung survivor pensioner ka (yung tumatanggap dahil sa pumanaw na asawa o magulang), 5% increase ang makukuha mo.

• Note: Para sa mga batang survivor pensioners, tumitigil ang pension pag umabot ka na ng 21 years old.

Paano ang Dagdag sa Pension?

• Hindi lang sa buwan ng September ang dagdag. Pag tumaas na, yun na ang bagong buwanang pension mo hanggang sa susunod na increase.

• Tatlong taon sunod-sunod ang increase tuwing September: 2025, 2026, at 2027. Pagkatapos ng 2027, mananatili na sa bagong highest amount ang pension mo.

Sample Computation

Kung ₱10,000/month (retirement o disability):

September 2025: ₱11,000

September 2026: ₱12,100

September 2027: ₱13,310

After 2027: ₱13,310 na ang tuloy-tuloy buwan-buwan

Kung ₱8,000/month (survivor pension):

September 2025: ₱8,400

September 2026: ₱8,820

September 2027: ₱9,261

After 2027: ₱9,261 na ang tuloy-tuloy buwan-buwan

Sino ang Sakop?

• Lahat ng pensioners as of August 31, 2025 ay kasali sa increase na darating sa September 2025.

• Para sa second increase, kailangan pensioner ka as of August 31, 2026.

• Para sa third increase, kailangan pensioner ka as of August 31, 2027.

• Walang kailangang dagdag bayad o kontribusyon—automatic ang increase.

Parang maliit lang sa simula, pero kapag tatlong taon naipon yung increase, ramdam na ramdam sa grocery, gamot, kuryente, at pamasahe.

At kung survivor pensioner na bata pa, mahaba-habang tulong to basta behave lang hanggang 21! 

😁

At para sa mga mag‑60 pa lang ng September 2027, normal pension lang ang makukuha nyo dahil lagpas na sa August 31, 2027 cut‑off at tapos na ang 3‑year increase. At yung mag‑60 sa 2028, lalong wala.

At para sa mga lolo at lola, wala na pong kailangang gawin.

Just wait and relax… baka pwede pang manood ng free o senior-discounted movie habang hinihintay ang dagdag pension.

Penge po ng popcorn. 🍿😁

daremplacer.com