The music of  Darem Placer

Walang Pagbabago  (live!)

Nagninilay-nilay sa maraming bagay
Gumugulo ang aking buhay
Di malaman ang gagawin sa aking hinihiling
Di bagay sa yong damdamin

O ibinigay ko na sa yo ang buong buhay ko
Pati pag-ibig ko, inalay sa yo
Ngunit walang pagbabago
Oh oh oh

Nagwawakas ang lahat ng bagay
Tila ngayon pati ang hangin
Nawalan ng saysay ang aking buhay
Malamig na ngayon ang yong damdamin

O ibinigay ko na sa yo ang buong buhay ko
Pati pag-ibig ko, inubos sa yo
Ngunit walang pagbabago
Oh oh oh

O ibinigay ko na sa yo ang buong buhay ko
Pati pag-ibig ko, inalay sa yo
Ngunit walang pagbabago
Hinahanap ko sa yo ay ang pagmamahal mo
 
(Maraming salamat po!) 

1997