Araw ng Kagitingan • Abril 9
Si Josefa Llanes Escoda ay hindi sundalo. Wala syang baril. Pero nasa gitna sya ng gulo.
During the fall of Bataan in 1942, habang nagkakagulo na, sugatan everywhere, gutom, pagod, takot—siya at ibang women volunteers, tumutulong sa mga sundalo. Nursing, giving food, organizing aid. Hindi glamor. Pawis, dugo, chaos.
Pero ito ang twist.
Nang sakupin na ng Japanese forces ang lugar, pwede syang tumigil. Pwede syang magtago. Hindi sya tumigil.
Tumulong pa rin sya—kahit bawal na, kahit delikado na, kahit alam nyang pwede syang hulihin.
At yun nga ang nangyari. Naaresto sya. Kinuha. At hindi na sya nakita ulit.
Walang moment na ginawa para maging memorable. Walang line na pang-quote. Tahimik lang. Just… she kept doing what was right hanggang sa dulo.
Hindi lahat ng bayani may baril.
Minsan, kagitingan is tumulong kahit walang nakakakita, tumayo kahit mas safe umupo, at gawin ang tama kahit walang assurance na may reward.
⌨ ᴛʸᵖⁱⁿᵍ ᴏᵘᵗ ᵒᶠ ᵗʰᵉ ʙˡᵘᵉ ᵈᵃʳᵉᵐ ᵐᵘˢⁱᶜ ᵇˡᵒᵍ

